Ilang linggo na ang nakakaraan humingi ako ng sign kay Lord about to sa taong nagugustuhan ko. Hoping ako na may future kami hahaha! Pero syempre God's will parin.
ANG SIGN
Syempre yung sign na parang imposibleng mangyari pero may possibility naman.
Ang hiniling ko ay sa darating na week at that time na magoffer sya ng help in anyway. Na ako passive lang ganyan, pero bigla syang magsasabi kung need ko ng help or tutulungan ako without asking for help, sa kahit anung bagay, sa work man o hindi. Kapag natupad ang sign, magiging kami or may possibility na maging kami.
Sabi ko pa imposible yun kasi di naman kami close at nagkakausap lang kami pag work-related na kelangan idiscuss.
Pero somehow nagkakalapit na kami these past few days.
Based sa mga teachings na naririnig ko at sa pagkakakilala ko kay Lord, hindi ko Siya dapat binibigyan ng deadline. Kasi always at the right time Siya kung gumalaw.
Nakalimutan ko na rin to dahil pinili ko na lang na maging open at si Lord na ang bahala sa lahat.
Lumipas ang ilang weeks, siguro dalawa o tatlo at may nangyari.
Nung isang araw lang nawalan na ako ng place na paglalagyan ng gamit ko sa cabinet namin and since kami na lang magkasama sa office nakwento ko sa kanya. Sabi ko isiksik ko na lang kasi naunahan ako ng bago namin sa pwesto ng gamit ko. Nagoffer sya na doon na lang daw sa cabinet nila ilagay kasi may pwesto pa naman. Ang saya ko at ginawa nya yun pero wala sa isip ko na katuparan ito ng sign na hiningi ko. Kinabukasan tinanung naman nya ko kung need pa namin ng help sa team. Doon ko na naisip yung about sa sign. Bigla pumasok sa isip ko yung hiningi ko kay Lord.
At all times ayuko na umasa pero may part sa akin na nageexpect pa rin. Pero ito lang lagi ko inaask kay Lord, na anuman ang mangyari, Siya na ang bahala, mameet man ang inaasahan ko o hindi, papalakasin ako ni Lord palagi.
Kanina lang nakapanuod ako ng video ni Plaisir sa fb about sa dalawang taong nagmamahalan. Pumasok sa isip ko ang promise ni Lord sa akin para sa taong laan Niya para sa akin. Hind ko naiwasang mapaluha. Napaisip ako at napatanung kung sign din ba ito na hindi ko hiniling? Sign ba ito ng katuparan ng promise Niya sa akin? Na malapit ko na maranasan ang tulad ng nasa video?
Random by the pillow stories and thoughts minus the alcohol. Just thinking about it makes me feel drunk.
Friday, September 8, 2017
Ikaw Ulit
Namiss ko lang siguro na lagi kang kausap at kasama.
Pumunta ka sa amin para mag-stay pagkagaling mo sa ibang lugar. Tila alam ng ating mga pamilya na malapit tayong magkaibigan. Magkausap pa kayo ng nanay ko tungkol sa kung anu-aning bagay. Hindi ko kayo iniistorbo. Nag-aaya kang mamasyal pero panay naman ang higa mo at pagtulong sa mga gawain ko sa bahay. Parang gusto kong bumalik sa dati ang relasyon natin nung panahon na gusto kita at gusto mo ko. Pakiramdam ko masaya ako nun. Nais kong akapin ka at ipakitang mahal kita. Pero anu ang silbi nun? Hinayaan na lang kita sa kung anu ang gusto mong gawin sa bahay namin.
Hindi ko na lubusang maalala ang buong panaginip ko. Ang naiwan sa isip ko bago ako matulog ay malamang na ikaw kaya siguro naglaro sayo ang utak ko nung matulog ako. Oo, namiss kita. Yung mga kwentuhan at kakulitan. Mahal na mahal kita kaibigan.

Friday, August 4, 2017
Random Thoughts Kapag Mag-isa I
Nakakapagod...
Oo nakakapagod na...
Yung isiping okay lang ako at lokohin ang sarili ko...
Hindi naman talaga...
Pinipilit ko lang...
Kasi nga andyan naman ang pamilya ko, mga kaibigan at si Lord...
Pero may mga bagay akong naiisip...
Lalo na kapag mag-isa ako...
Kung bakit nga ba ako nalulungkot...
Bakit gusto kong ibalik yung mga panahon na di na pwedeng ibalik...
Bakit may mga bagay akong di magawa..
Bakit ako kulang...
Ang pangit sa pakiramdam na makita ng ibang tao na lagi ako masahin pero sa loob ko hindi naman pala...
Para akong plastic...
Mapagpanggap...
Sino nga ba ang niloloko ko...
Sila o ako...
Marahil pareho...
Totoo masaya ako dahil sa malilit na bagay...
Ngunit ganun din ako, malungkot din sa maliliit na bagay...
Pakiramdam ko nakakulong ako...
Eto ang tama...
Eto ang dapat gawin...
Kapag nagkamali ka back to zero na...
Walang sumasakal saking iba pero sinasakal ko ang sarili ko...
Sasaya ba talaga ko dito sa mundo...
Sasaya pa nga ba ako...
Kapag ba may nagmahal na sa akin na mahal ko rin sasaya na ba ako...
Kapag nakamit ko ang mga gusto ko tulad ng sariling condo at business sasaya na ba ako...
Alam ko naman na sa mundo walang tunay na kasiyahan...
Pero ako si tanga umaasa...
Ang hirap kasi mamuhay na malungkot at puro kasinungalingan...
Ang totoo naman nag-iisa lang ako...
May gusto, may ayaw...
Di ko naman mapipilit...
Mapalad na lang kung meron...

Thursday, August 3, 2017
Ang Pag-amin
Pre...
Gusto na kita kausapin...
Nahihirapan na ako eh...
Marami talaga akong gusto itanong sa'yo...
Marami rin akong gustong sabihin...
Simulan ko na ah..
Una..
Mula pa kasi nung mga unang araw mo sa office may kakaiba ka nang kinikilos...
Hindi ko alam kasi bakit nagtatama lagi ang paningin natin sa isa't isa nung mga araw na iyon. Natural lang naman sa akin na tumingin sa mga tao pero nung ikaw na ang tiningnan ko nagulat ako na tumingin ka rin at hindi kung sang parte kundi sa mga mata ko lang... Hindi lang isang beses kundi... isa... dalawa... tatlo... hindi... hindi ko na mabilang... bawat isa humihinto ang oras... bawat sandali tila pinakamatagal na dalawang segundo ng buhay ko... bawat pagkakataon naririnig ko ang kaba ng dibdib ko... Bakit ba Pre? Bakit mo ako tinitingnan ng ganoon dati? Hindi na tuloy ako ngayon makatingin ng direcho sa'yo... Naninikip ang dibdib ko kapag sinusubukan kong gawin iyon...
Pangalawa...
Kinabahan ako nang malaman ko na sumali ka sa mga magpeperform sa event sa office.. Naisip ko na mahihirapan akong huminga kasi andun ka... at baka hindi mo magustuhan ang boses ko dahil ang kaya ko lang icontribute ay ang pagkanta. Pero, at the same time natuwa ako dahil gusto din kita makasama. Game ako sa mga practice ang sabi ko at masyado ako masaya dahil matutupad yung mga pangarap ko at makakasama pa kita... At dumating ang araw ng practice... Pumasok ako kahit masama pakiramdam ko para lang sa practice na iyon. Wala na ang isip ko sa trabaho at inaantay ko na lang ang oras na aalis na tayo sa office... Pero bago tayo umalis nagmeeting muna tayo para sa walang kamatayang ticket... At ayun kakaiba na naman ang kilos mo... nakatayo akong sumandal sa pader ng room kasi ayuko na umupo at ikaw naman gumaya ka kahit ang daming pwedeng upuan. ang sabi mo di ka na rin uupo... malawak din ang pwede mong sandalan pero pinili mong sumandal malapit sa sinasandalan ko... Kinig lang ako sa pinag-uusapan nila Mar at R pero lumulutang na ang isip ko dahil sa practice na magaganap at pakiramdam ko ikaw rin.. Kalagitnaan ng meeting nangalay na ko at naupo sa maliit na mesa sa gilid. Laking gulat ko nang umupo ka sa tabi ko kung saan tila isang daliri na lang ang pagitan nating dalawa... napaisip ako... nagtaka sa ginawa mo.. akala ko ayaw mong umupo at kung uupo ka pwede naman sa mga bakanteng upuan at hindi sa maliit na mesa kung saan ako umupo.. hindi ko na napigilan ang kaba at pakiramdam ko ako ay nanginginig na... ilang sandali, buti na lang tumayo ka na... hindi ko alam kung nakaramdam ka sa kaba ko o dahil nangawit ka na... nagsalita ko pa nung patapos na ang meeting pero wala na akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nyu dahil kinakabahan parin ako... At nang matapos ang meeting sinabi mong magpapractice na tayo at sabihan kita pag aalis na... Sa mismong practice may sandaling napansin ko na lumalapit ka habang kumakanta ako... pero baka tinitignan mo lang ang lyrics at napapraning ako na gusto mo lang lumapit sa akin parang nung nasa room tayo... Sabihin mo, mali ba ako?
Pangatlo...
Nung mismong event na tuwang tuwa ako nung makita kita at inengganyo ka namin doon na pumwesto sa table namin ni J... Nag-asaran tayo at nagkwentuhan na parang magkakatropa na matagal na magkakakilala... Masaya akong kausap ka noon kaya naman lagi kitang inaasar tungkol sa pagkain... Nagperform na tayo at nang matapos umupo na ko sa may pwesto ng ibang team. Kumuha ka ng upuan at doon ka umupo sa tabi ko. Bakit? pwede naman sa tabi ni J or ng iba mong kakilala... Bakit dun pa sa tabi ko?
Pang-apat...
Madalas tayong magkasama sa mga meetings at trainings. Tuwang-tuwa ako sa'yo na kapag may food ay maraming nagbibigay sa'yo at nakikiride din naman ako kasi ganun karin nung nasa Team Celebration tayo. Lahat ng dumating na food at kanin na di na maubos sa'yo namin binibigay. Pero hindi naman sa pagkain ang point ko... pagkat sa mga meetings na iyon dalawang beses na kita napansin na may kakaibang ginawa... Sa unang pagkakataon pumwesto ako sa likod mo... medyo malayo naman at wala akong intensyong pagmasdan ka.. nagkataon na gusto kong lumayo sa team at magsite seeing sa kalsada... pero anung ginawa mo? pinaikot mo ang upuan mo at tumingin sa akin? kung sa akin ka nga nakatingin... hindi kita pinansin sa kinilos mo at kunwari ay nakikinig ako sa pinag-uusapan nila... hinayaan kita dahil baka nga gusto mo lang din tumingin sa kalsada.. pero naulit ito sa pangalawang pagkakataon sa ibang meeting naman. Ang pangalawang pagkakataon naman ay nung tumayo na ko sa likod ng meeting room dahil sa kabusugan. pero ayun ka na naman pinaikot mo na naman ang iyong upuan at hindi ko alam kung saan ka nakatingin dahil ayaw kitang tignan at nagkunwari akong focused sa pakikinig gaya nung una mong ginawa iyon. Hindi iyon normal sa tingin ko... Tinitingnan mo ba ako kapag pinapaikot mo ang upuan mo? Sabihin mo?
Pero eto... Huli na...
Gusto kita... Inaamin ko na... Hindi ko alam kung sapat na ang mga observations ko sa mga ginagawa mo at kung valid ba na itanung ko kung gusto mo rin ako... Anu na Pre, aamin ka rin ba? Aminin mo na lang kung gusto mo ako o hindi para matapos na to... Okay?

Pride
Nung iniwan mo ko, siguro pwede nating sabihin na
Kailangan ma-achieve ko ito
Para mapatunayan ko na meron akong kwenta
Sa industriya
Sa mundo
Sa pamilya
Sa sarili ko
Sa iyo
Para kung nasaan ka man masabi mo na
Uy proud ako sa anak ko
Pero totoo naman na proud ka sa akin eh
Alam ko naman iyon simula noong una pa
Kahit kelan hindi ka nag-isip ng masama
Puro mabuti lang ang hangad mo
Sa akin
Sa kapatid ko
Kay mama
Lahat naibigay mo kaya for sure walang pagsisisi sa puso mo
Pero ako
Ako iyong madaming pinaglalaban
Na kesyo dapat ganito ako, ganyan
Para maramdaman ko na ako mismo
Proud sa sarili ko
So ginawa ko iyon, ginawa ko ito
Umalis sa nakasanayang trabaho
Umangkas sa isang titulo na hindi ko alam kung saan patungo
O may patutunguhan nga ba?
Nag-aral ulit ako
Para masabing kaya ko
Para pag nakita nang iba alam kong may dagdag na letra sa dulo ng pangalan ko
May isang entry pa sa resume na ipapasa ko
Eto pa
Ginaya kita
Pumasok ako sa eskwelahang pinapasukan mo
Sumunod sa yapak mo
Nakipagkilala sa mga bata na di ko kaano-ano
Sa puso na alam kong meron akong maibibigay
Na dunong
Na kwento
Para magamit nila sa bawat araw na makikita nila ang araw at ang paligid nito
Pero badtrip
Hindi ko naman inexpect
Madami palang bitbit ito
Akala ko bragging rights lang makukuha ko
Expectations kaliwa't kanan
Di ko na alam kung ano uunahin ko
Trabaho
Pakikipaghalubilo
Yung requirements na ipapasa ko
Yung lesson plan para sa susunod na pagkikita namin ng mga estudyante ko
Sa simula masaya
Pero dadating din pala sa point na mapapaisip ka
Ano nga ba?
Bakit nga ba?
Anong rason bakit pinagpapatuloy ko pa?
Dahil ba gusto kong maging proud ka?
O dahil lang gusto kong magawa lahat-lahat kasi alam kong may ibubuga pa?
Kaso wala na.
Naubos na.
Yung excitement, yung enerhiya.
Yung saya.
Napalitan na ng luha.
Ng konsensya.
Masakit din pala.
Na mabuhay para sa gusto ng iba.
Na mabuhay sa inaakala mo na doon ka magiging masaya.
Masakit din pala.
Akala ko kasi magiging masaya.
Pero yung pinakamasakit talaga sa lahat:
Nasasaktan ako kasi alam ko kung anong puno't dulo
Hindi ko alam ang gusto ko

Wednesday, August 2, 2017
Kilig
Ang arte, sobrang arte
Kailangan ba kapag napadaan magpapakeme
Ene beeeeeeeee
Ikaw naman kasi bakit ka nandyan
Akala ko nakakulong ka lang
Saan?
Sa puso ko
Hindi ba?
Ah, sa isip ko
Nakakabadtrip naman to parang hindi mo pinapakinggan iyong mga sinasabi ko
Kahit para na akong ewan dito
Natutuwa mag-isa, nakangisi, mukhang walang kwenta
Ewan ko ba
Kinakausap ka kahit alam kong hindi ka naman magsasalita
Para saan pa
Wala, kasi nakakatawa

Thursday, May 18, 2017
R3 Cast Interview - Ruu
Kousaka Mahiru
Occupation: Graphic Designer
Age: 26
Interests: Alcohol, rock music, eyeliner, coffee, sweets
Interview
MC: Please introduce yourself.
Ruu: Ahh, gosh. I didn't realize that I am required to do an introduction. Konnichiwa, Kousaka Mahiru desu. Yoroshiku. Etou, watashi no shigoto wa "graphic designer" desu. I'm from Kanazawa but found a work in Tokyo so I'm currently renting a unit at Room 3 in Shinjuku, staying with two freaks. Haha. If they hear me call them freaks I believe they'll beat me up. Haha. Anyway, that's me. What else do you want to know?
MC: What are your hobbies?
Ruu: I like drinking occassionally. *snickers* If Rai hears me he'll show that freakin' smirk in his face that I TRULY hate the most. Ahh, that perv. So yeah, I like to drink.
MC: Your interests?
Ruu: I also like loud music, especially when I'm designing. What else.. Ah, this is bothersome. I have short temper as you can see, I can be pretty impatient. I don't like people bothering me all the time but I do love talking about how awesome I am. Coffee is life for me, and I read manga and watch anime to de-stress. I don't like going out that much but I don't wanna stay in R3. Lot of ground rules there. *eyeroll*
MC: Do you also smoke?
Ruu: I don't smoke, that's why I hate it when that perv smokes all the time.
MC: So just drinking?
Ruu: Rin and I often goes out to drink, when she doesn't have anything to do with her so-called buddies.. ahh especially that guy.
MC: Guy?
Ruu: Eh? Who the guy is? I don't know. Maybe you can ask her in a separate interview.
MC: Do you have someone you like?
Ruu: Love interest? Ahhh, that's dangerous. None. It's not a priority for me. It's just fun to watch people and do things from time to time. But I ensure that I'm not in trouble unlike someone I know. Lol. Don't wanna say anything anymore. I still have a deadline.
MC: Last question. What type of boy do you like?
Ruu: Boys? I like tall, musically-inclined, looks bad but actually cute inside boys. *grins*
MC: Thank you Kousaka Mahiru-chan!
Ruu: Sure! Ja ne!
Friday, April 7, 2017
Muli
Sa iyong pag-uwi
Sa lugar namin nagkubli
Sadyang di ko mawari
Para bang may mali
Naroon ang pamilya
Kumpleto lahat sila
May ilan pang bisita
Ngunit di sila inda
Hindi naman ako sanay
Na hinihila mo ang aking kamay
Sa tuwing ako'y daraan
Kaba ay nararamdaman
Ang mainit mong labi
Sa aki'y iyong idinampi
Pag-ibig na naidlip
Nabulabog ng kaonti
Ika'y aking pinagalitan
Pagkat baka may makaalam
Lihim natin noon
Magpahanggang sa ngayon
Ngunit ikaw ay mapilit
At ginusto pang maulit
Kaya hindi ako umiwas
Nadarama'y inilabas
Hindi naman nagtagal
Puso ko rin ay umangal
Baka may makakita
Buti na lang ay gising na
Sa lugar namin nagkubli
Sadyang di ko mawari
Para bang may mali
Naroon ang pamilya
Kumpleto lahat sila
May ilan pang bisita
Ngunit di sila inda
Hindi naman ako sanay
Na hinihila mo ang aking kamay
Sa tuwing ako'y daraan
Kaba ay nararamdaman
Ang mainit mong labi
Sa aki'y iyong idinampi
Pag-ibig na naidlip
Nabulabog ng kaonti
Ika'y aking pinagalitan
Pagkat baka may makaalam
Lihim natin noon
Magpahanggang sa ngayon
Ngunit ikaw ay mapilit
At ginusto pang maulit
Kaya hindi ako umiwas
Nadarama'y inilabas
Hindi naman nagtagal
Puso ko rin ay umangal
Baka may makakita
Buti na lang ay gising na
Monday, March 13, 2017
Problema
Katatapos lang ng klase at nagkakagulo na ang mga estudyante sa pagkuha ng kani-kanilang mga gamit para umuwi. Nagkasalubong kami ni Miko at nagkwentuhan.
Nagdesisyon kaming kumain sa baba kaya naman sabay namin tinahak ang kakaibang hagdan ng paaralan. Kinabahan ako dahil medyo tumutunog ang itaas na bahagi ng hagdan. Hindi naman namin kailangang humakbang sapagkat ang hagdan na ito ay "automatic" kaya kumapit ako ng mahigpit sa estribo. Ngunit habang kami ay ibinababa na nito nahulog ang isang bahagi ng hagdan at tinamaan si Miko sa ulo. Bumagsak kami sa sumunod na palapag at dali-dali kong inakay si Miko. Tinulungan ko syang makatayo at hinatid sa ospital kahit ayaw nyang pumunta.
Pagdating sa ospital, habang naghihintay, nagkwento ulit si Miko ukol sa kanyang trabaho. Nahihirapan na siya dahil iba na ang tingin sa kanya ng kanyang mga katrabaho. Mababa raw ang nakuha nyang "rating" kaya lubos nya itong ikinalungkot. Hindi ako kumibo at patuloy lang na nakinig sa kanyang mga sinasabi.
Nung ako ay magsasalita na, napansin kong naroon pala si Ed, taga-ibang section at katrabaho ni Miko. "Ayusin mo kasi ang trabaho, kung pinapriority mo ang mga dapat mong gawin, edi sana hindi ka nagkakaganyan..." wika ni Ed. Nasabi ko na lang "Pwede naman gumawa ng hindi pangtrabaho kapag break time diba?" "Pero yung iba rin naman ginagawa yan...", sagot ni Miko. "Yun na nga ang sinasabi ko...", pagpapatuloy ni Ed. Hindi ko na alam kung san patungo ang sagutan nila. Napansin kong naroon sa harap namin ang isa kong kakilala, si Ely. Iniiwasan ko syang makita at ganun din sya sa akin. Tinakpan ko ang mukha ko ng aking buhok at nag-isip ng paraan kung paano makakalusot sa pagkakataon na iyon.
Nagpaalam ako kina Miko at Ed na pupuntahan ko ang nurse upang kumuha ng form para ipatingin na si Miko. Nakatungo si Miko habang lumalayo ako sa kanila at umiiwas ako ng tingin kay Ely.
Pagdating ko sa nurse station, napunan na nila ang form na kailangan ni Miko. Ngunit nang ibinigay nila ito sa akin, ibang pangalan ang nakasulat at nakalagay pang "American" ang citizenship niya roon. "Hindi ito para kay Miko...", ang sabi ko "...baka ibang tao yan at nagkamali kayo." "Nakita ko kung sino ang kasama mo kanina kaya alam kong siya yan.", wika ng isang nurse.
At nagising na ako.

Sunday, March 12, 2017
The Attack
I was not sure to where I should start telling how it went but I guess I should start from my family.
Our family was complete. With my Mom ofcourse, and my sister, we were together. The odd thing is that I hadn't seen her children and his husband. And my Dad was also present although he had passed away years ago. But I felt like the current situation in my dream was not in the past.
Our house was located at a high place. It's as if our house was attached to a huge tree and we are on top of it. And if you will look down, you will have a hard time to see the ground. When you look outside, it's as if we were living in a forest and there were neighboring trees with houses on top of them.
The situation was a bit crazy. Our house was being shaken and part of our wall was damaged. By that, it was opened and the trees outside were clearer to see. Seemed that there was an earthquake.
My Dad was getting equipped with long rods and guns. "Zombies!!!", I shouted and got myself a rod. I was worried about my Mom and prevented her from getting near the damaged wall.
The zombies didn't look bloody at all and they were slowly moving. They looked like Titans, pale and weird. And they were falling from the sky, getting on board our window and the damaged wall.
I was armored with a thick vest protecting my upper body and my arms and legs were also protected by thick moss green clothing.
Grasping my rod, I aimed at a Titan just as my Dad did. They kept on coming and I killed a few. Then a Titan came to enter our house again through the damaged wall. It was getting closer to me so I took another rod and finished it with one blow. The rod struck its stomach but no blood came out and it fell down smiling.
Then, I woke up.

Tuesday, February 28, 2017
Si Yan at si Fibz - Simula
Ayaw ko nang pakinggan kung ano pa yung sasabihin niya. Gusto ko na lang takpan iyong mga tenga ko para hindi na ako makarinig ng kahit ano tungkol pa sa kanya. Ano pa ba iyong hindi ko naiintindihan? Niloko niya ako. May ibang babae siya. Bakit kailangan pang pagkwentuhan.
"Yan, halika dito dali. Pagkwentuhan natin si Nick," hila ni Bart. May pagkagago din talaga itong chismoso na ito. Ewan ko ba kung bakit kung sino iyong lalake, siya pa iyong mahilig mang-chismis.
"Teka sandali lang, may ginagawa ako e," sagot ni Yan. Merong siyang inaatupag sa iPhone niya, nakasalpak na naman ang headset sa tenga. Napatingin siya saken tapos ngumiti. Anong meron? "Bart, pre, wait lang tawagin ko lang iyong iba, wag ka muna magsisimula" dagdag niya. Hmm. Interesado din siya sa chismis. Parang di halata ah. Bahala nga siya.
Pag-akyat ko sa lobby, napaupo na lang ako sa malapit sa escalator. Hinihintay ko si Kris dumating. Kahit paano man lang sana may support ako kapag ako iyong topic diba. Nakita kong bumalik si Yan kasama iyong dalawa niyang kaibigan. Nagsindi ng yosi iyong isa sabay akbay dun sa kasama niyang babae. Kinilabutan ako. Di ko akalaing may ganito siyang mga kaibigan. Dumating si Kris kasabay nung isa naming classmate. Kumaway siya saken at umupo sa tabi ni Bart. Sinimulan ni Bart ang kwento.
"Guys biruin niyo, nagawa pang lokohin ni Nick si Fibz," sabay turo saken. Kailangan ba talagang ipamukha mo saken yan Bart? Alam ko naman na niloko ako e. Kahit bali-baliktarin ata natin ang mga pangyayari wala nang magbabago. Pinagpalit ako sa babaeng nakilala niya sa club. Sa babaeng inofferan siya...
".. ng Cuervo. Inofferan lang si Nick ng Cuervo. Two shots lang iyon, naka-score agad si gago," dagdag ni Bart sabay shot ng JB sa harap niya. Kwinento pa niya kung saan nagpunta si Nick at iyong babae after nung party, tapos iyong mga nangyari pang kasunod. Hindi ko na marinig kung ano pang detalye ang alam niya, ang alam ko na lang, nanghihina na ako. Nanlalambot. Kahit sino, please hawakan niyo ako. Feeling ko para akong nauupos na kandila. Naiiyak na ako. May karapatan naman akong umiyak diba? Ang sakit na.
Nagising iyong diwa ko nang lumapit si Yan saken. Dali-dali pa siyang pumwesto sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit. Hinawakan niya iyong kamay ko. Malakas ba iyong pagkakasabi ko na kailangan ko nang hahawak saken? Feeling ko naman sa sarili ko lang iyon. Pero hindi ako pwedeng magkamali. Hinawakan ni Yan iyong kamay ko.. nang mahigpit. Na parang inaassure niya sa akin na okay lang ang lahat. Na makakakaya ko din. Napatingin ako sa kanya; gusto ko din sana siyang tanungin kung alam ba niya iyong ginagawa niya. Kaso nang gawin ko iyon, nakatingin siya kay Bart, nakikinig.
Hello! Di naman ako masyado lasing, pero ito ang first post.
Hahahaha. Nakakatawa. Medyo barbero pero talagang natatawa ako ngayon e. Siguro dahil nakikinig na naman ako ng mga awit na hindi naman dapat pinapakinggan ng isang katulad ko - masaya sa buhay. Maraming nagtatanong. Bakit daw ako mahilig sa mga malulungkot, sawi or hugot experiences kung okay lang naman ako.
Bawal ba?
Hindi naman nila ako sinagot. Sabi ko na lang, hindi naman siguro masama na mag-emo emo minsan. Tutal, alam din naman ni boyfriend na mahilig sa mga ganitong bagay, sinusuportahan naman niya ako sa mga kalokohan ko. Haha.
Pero ito yung sagot ko talaga - wala lang. Nakaka-relate ako e. Hindi siguro sa ngayon, as in yung moment na ito a. May experiences lang ako na pwede kong i-share. Past experiences ba.
Naniniwala ba kayo na yung masasayang tao sila yung maraming pinagdaanan? Oo? Hindi?
Nice meeting you.
Ako nga pala yung tropa mo, kapatid mo, kaklase mo, or yung nakasalubong mo lang sa kanto na maraming gustong sabihin at napagdaanan.
Enjoy. Nawa'y hindi tayo katulad ng mahal mo na hindi ka mahal or yung mahal mo na pinagpalit ka sa iba or yung taong mahal na mahal mo pero hindi mo naman masabi yung tunay mong nararamdaman.
Iinom mo lang iyan, yan ang tip ko.
Or kung gusto mo iyakap mo lang sa unan mo.
Sinulat ko lang ito..
para kunwari may masabi ako.
At naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo.
Char.
Seryoso. Alam ko iyong nararamdaman mo.
Subscribe to:
Comments (Atom)