Thursday, August 3, 2017

Ang Pag-amin

Pre...
Gusto na kita kausapin...
Nahihirapan na ako eh...
Marami talaga akong gusto itanong sa'yo...
Marami rin akong gustong sabihin...
Simulan ko na ah..

Una..
Mula pa kasi nung mga unang araw mo sa office may kakaiba ka nang kinikilos...
Hindi ko alam kasi bakit nagtatama lagi ang paningin natin sa isa't isa nung mga araw na iyon. Natural lang naman sa akin na tumingin sa mga tao pero nung ikaw na ang tiningnan ko nagulat ako na tumingin ka rin at hindi kung sang parte kundi sa mga mata ko lang... Hindi lang isang beses kundi... isa... dalawa... tatlo... hindi... hindi ko na mabilang... bawat isa humihinto ang oras... bawat sandali tila pinakamatagal na dalawang segundo ng buhay ko... bawat pagkakataon naririnig ko ang kaba ng dibdib ko... Bakit ba Pre? Bakit mo ako tinitingnan ng ganoon dati? Hindi na tuloy ako ngayon makatingin ng direcho sa'yo... Naninikip ang dibdib ko kapag sinusubukan kong gawin iyon...

Pangalawa...
Kinabahan ako nang malaman ko na sumali ka sa mga magpeperform sa event sa office.. Naisip ko na mahihirapan akong huminga kasi andun ka... at baka hindi mo magustuhan ang boses ko dahil ang kaya ko lang icontribute ay ang pagkanta. Pero, at the same time natuwa ako dahil gusto din kita makasama. Game ako sa mga practice ang sabi ko at masyado ako masaya dahil matutupad yung mga pangarap ko at makakasama pa kita... At dumating ang araw ng practice... Pumasok ako kahit masama pakiramdam ko para lang sa practice na iyon. Wala na ang isip ko sa trabaho at inaantay ko na lang ang oras na aalis na tayo sa office... Pero bago tayo umalis nagmeeting muna tayo para sa walang kamatayang ticket... At ayun kakaiba na naman ang kilos mo... nakatayo akong sumandal sa pader ng room kasi ayuko na umupo at ikaw naman gumaya ka kahit ang daming pwedeng upuan. ang sabi mo di ka na rin uupo... malawak din ang pwede mong sandalan pero pinili mong sumandal malapit sa sinasandalan ko... Kinig lang ako sa pinag-uusapan nila Mar at R pero lumulutang na ang isip ko dahil sa practice na magaganap at pakiramdam ko ikaw rin.. Kalagitnaan ng meeting nangalay na ko at naupo sa maliit na mesa sa gilid. Laking gulat ko nang umupo ka sa tabi ko kung saan tila isang daliri na lang ang pagitan nating dalawa... napaisip ako... nagtaka sa ginawa mo.. akala ko ayaw mong umupo at kung uupo ka pwede naman sa mga bakanteng upuan at hindi sa maliit na mesa kung saan ako umupo.. hindi ko na napigilan ang kaba at pakiramdam ko ako ay nanginginig na... ilang sandali, buti na lang tumayo ka na... hindi ko alam kung nakaramdam ka sa kaba ko o dahil nangawit ka na... nagsalita ko pa nung patapos na ang meeting pero wala na akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nyu dahil kinakabahan parin ako... At nang matapos ang meeting sinabi mong magpapractice na tayo at sabihan kita pag aalis na... Sa mismong practice may sandaling napansin ko na lumalapit ka habang kumakanta ako... pero baka tinitignan mo lang ang lyrics at napapraning ako na gusto mo lang lumapit sa akin parang nung nasa room tayo... Sabihin mo, mali ba ako?

Pangatlo...
Nung mismong event na tuwang tuwa ako nung makita kita at inengganyo ka namin doon na pumwesto sa table namin ni J... Nag-asaran tayo at nagkwentuhan na parang magkakatropa na matagal na magkakakilala... Masaya akong kausap ka noon kaya naman lagi kitang inaasar tungkol sa pagkain... Nagperform na tayo at nang matapos umupo na ko sa may pwesto ng ibang team. Kumuha ka ng upuan at doon ka umupo sa tabi ko. Bakit? pwede naman sa tabi ni J or ng iba mong kakilala... Bakit dun pa sa tabi ko?

Pang-apat...
Madalas tayong magkasama sa mga meetings at trainings. Tuwang-tuwa ako sa'yo na kapag may food ay maraming nagbibigay sa'yo at nakikiride din naman ako kasi ganun karin nung nasa Team Celebration tayo. Lahat ng dumating na food at kanin na di na maubos sa'yo namin binibigay. Pero hindi naman sa pagkain ang point ko... pagkat sa mga meetings na iyon dalawang beses na kita napansin na may kakaibang ginawa... Sa unang pagkakataon pumwesto ako sa likod mo... medyo malayo naman at wala akong intensyong pagmasdan ka.. nagkataon na gusto kong lumayo sa team at magsite seeing sa kalsada... pero anung ginawa mo? pinaikot mo ang upuan mo at tumingin sa akin? kung sa akin ka nga nakatingin... hindi kita pinansin sa kinilos mo at kunwari ay nakikinig ako sa pinag-uusapan nila... hinayaan kita dahil baka nga gusto mo lang din tumingin sa kalsada.. pero naulit ito sa pangalawang pagkakataon sa ibang meeting naman. Ang pangalawang pagkakataon naman ay nung tumayo na ko sa likod ng meeting room dahil sa kabusugan. pero ayun ka na naman pinaikot mo na naman ang iyong upuan at hindi ko alam kung saan ka nakatingin dahil ayaw kitang tignan at nagkunwari akong focused sa pakikinig gaya nung una mong ginawa iyon. Hindi iyon normal sa tingin ko... Tinitingnan mo ba ako kapag pinapaikot mo ang upuan mo? Sabihin mo?

Pero eto... Huli na...
Gusto kita... Inaamin ko na... Hindi ko alam kung sapat na ang mga observations ko sa mga ginagawa mo at kung valid ba na itanung ko kung gusto mo rin ako... Anu na Pre, aamin ka rin ba? Aminin mo na lang kung gusto mo ako o hindi para matapos na to... Okay?

No comments:

Post a Comment