Nakakapagod...
Oo nakakapagod na...
Yung isiping okay lang ako at lokohin ang sarili ko...
Hindi naman talaga...
Pinipilit ko lang...
Kasi nga andyan naman ang pamilya ko, mga kaibigan at si Lord...
Pero may mga bagay akong naiisip...
Lalo na kapag mag-isa ako...
Kung bakit nga ba ako nalulungkot...
Bakit gusto kong ibalik yung mga panahon na di na pwedeng ibalik...
Bakit may mga bagay akong di magawa..
Bakit ako kulang...
Ang pangit sa pakiramdam na makita ng ibang tao na lagi ako masahin pero sa loob ko hindi naman pala...
Para akong plastic...
Mapagpanggap...
Sino nga ba ang niloloko ko...
Sila o ako...
Marahil pareho...
Totoo masaya ako dahil sa malilit na bagay...
Ngunit ganun din ako, malungkot din sa maliliit na bagay...
Pakiramdam ko nakakulong ako...
Eto ang tama...
Eto ang dapat gawin...
Kapag nagkamali ka back to zero na...
Walang sumasakal saking iba pero sinasakal ko ang sarili ko...
Sasaya ba talaga ko dito sa mundo...
Sasaya pa nga ba ako...
Kapag ba may nagmahal na sa akin na mahal ko rin sasaya na ba ako...
Kapag nakamit ko ang mga gusto ko tulad ng sariling condo at business sasaya na ba ako...
Alam ko naman na sa mundo walang tunay na kasiyahan...
Pero ako si tanga umaasa...
Ang hirap kasi mamuhay na malungkot at puro kasinungalingan...
Ang totoo naman nag-iisa lang ako...
May gusto, may ayaw...
Di ko naman mapipilit...
Mapalad na lang kung meron...
Merong tunay na kasiyahan sa mundo: kapag nabuhay tayo sa Kanya.
ReplyDeleteUu pre, pasaway ako nung time na yan, baliw times... minsan gumaganun utak ko eh nagffluctuate parang kuryente.. bumalik naman na ulit sa normal..
Delete